?

Log in

Secret!! part 2

Title: Secret!! (part 2)

Pairings:
Halo halo special...(Horikoshi pairing)

Characters:
Yamada Ryosuke, Nakajima Yuto,Chinen Yuri, Shida Mirai, Ohgo Suzuka, Sakamoto Shougo, Kamiki Ryunosuke, Irie Jingi, Irie Saaya, Mariya Nishiuchi, Kawashima Umika

Genre:
Crack na may halong angst na may halong fluff~

Summary:
Ang magulong barkada... Ang pagiging torpe ni Yuto...ang pagiging mahiyain ni Suzuka + ang secret crush ni Mirai

Type:
Multi-chaptered

Chapter summary: 
Nagkaroon sila ng art project at mali ang pag partner si sense


A/N: unbetaed siya kaya pasensya na kung maraming mali...fail fail fail siya pero ayun sana magustuhan niyo^^ DOUZOO!!




 

Isang linggo na ang nakakalipas at issue padin itong si secret crush. Ang buong hinala ng barkada ay si Ryosuke talaga. Oo nga naman sino pa nga ba? Mataas lang talaga pride nitong si Mirai kaya ayaw niyang aminin. Mortal enemy kasi silang dalawa dati at sobrang kumukulo ang dugo ni Mirai sakanya. ‘Ni hindi sila nagkakasundo sa anu mang bagay pero alam ng barkada na umeechos lang tong si Mirai; Alam nila na patay na patay ito kay Yamada.

“Si Ryosuke yun sigurado ako” bulong ni Chinen sa girlfriend niyang nagddrawing sa desk ng kung ano anong kajejemohan. ‘Umi <3s Yuri fohevah!’


“Oi Chinen! Naririnig kita!” sabi ni Mirai sabay hampas ng libro sa braso ni Chinen. “Tantanan niyo na nga yang si Secret crush! Wala kayong mapapala..” dagdag nito


“Bakit naman Mirai?” tanong ni Umika


“Ay nako Umika..hindi kasing saya ng lovelife mo ang lovelife ko. Sakin komplikado kaya hanggang secret crush nalang..” sagot ni Mirai


“Ehh? Pano mo naman nalaman? Eh hindi mo pa nga nasasabi!” sambit ni Umika habang naglalakad papalapit kay Mirai


“Anu ka ba? Ayoko nga tska ayoko na makihati no! alam ko may nagmamahal na sakanya. Mas mabuti ng maging secret crush nalang siya kesa manggulo pa ako diba?” Sabi ni Mirai habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa likod ng classroom.


“Hay nako Mirai…ewan ko sayo” ito na lamang ang nasabi ni Umika. Napaka hopeless na ng kaibigan. Masyadong happy go lucky…go lang ng go kahit nasasaktan na


“O siya sige, babalik na ako sa upuan ko. Tatapusin ko pa yung assignment ko.” Sabi ni Mirai at sabay lakad papunta sa kanya desk


“Yuri…feeling ko si Ryosuke nga…” bulong ni Umika kay CHinen


“Ako din…may nagmamahal na sakanya?? SI Mariya yun! Diba sabi ni Mariya, mahal padin daw niya si yamada!?” sagot naman ni Chinen


“Ahh ibig sabihin si Ryosuke talaga si secret crush! Anu ba yan tinatawag pa niyang secret crush eh halatang halata naman!” sabi ni Umika


“Sino pa ba?” Nagkatinginan ang Umika at Yuri at sabay na napangiti. “Aamin ka din Mirai, aamin ka din” dagdag ni Yuri

                                                                                                                          //

Sobrang nakakaantok ang hapong iyon. Halos buong klase ay nakatungo sa kanilang desk habang nag ddiscuss ang teacher nila tungkol sa kanilang art appreciation project. Si Shougo at Miki inaaliw nalang ang sarili sa pagddrawing ng caricature ng teacher nila habang si Umika naman ay busing busy sa pakikipagtitigan kay Chinen.



“Okay class kakaibang art project ito dahil gagawin nating by partners.” At doon nabuhayan ang buong klase lalo na ang mga babae. Pagkakataon na kasi nilang makasama ang mga crush nila sa project na ito. Pano ba naman parang instant date nadin ito kung maituturing. Pinapa ikot kasi sila sa Tokyo para kumuha ng mga litrato ng magagandang scenery at iba’t iba pang mga bagay bagay. Tila mga bitwing nag niningning ang mga mata ng mga babae at kanya kanyang pili ng gusto nilang kapartner. Malas lang nila, ang teacher na nila ang nagpartner up sakanila.


“Okay isa isa kong tatawagin ang magpapartners ah..pagkatapos ko kayong tawagin lahat, bibigyan ko kayo ng oras para mapagusapan ninyo yung project maliwanag ba?” tanong ni Sensei


“Yes sensei”


“okay let’s start.” At nagtawag na ang kanilang guro. “ Irie Saaya at Irie Jingi….Kawashima Umika at Chinen Yuri” nagmamatch making ba ‘tong si Sensei?


Nanliliwanag naman ang mga mata ni Suzuka at iniintay na matawag ang pangalan nila ni Yuto. “Please sana kami ni Yuto!!’


“Sakamoto at Kamiki”



“Sensei! Andaya bakit sila babae kapartner? Bakit ako lalaki? Unfair naman yon!” protesta ni Shougo


“Mr. Sakamoto hindi ka po makikipagdate. Gagawa ka po ng project” tugon ng teacher nila. Napasigh nalang si Shougo at tumabi kay Miki na hindi naman mapigilan ang tawa


“Ayan inggitero ka kasi hahaha!” asar nito


“Wag mo akong paandaran. Bwiset” sagot naman ni Shougo


“ahh asan na ba tayo? Ahhh next pair…..Yamada Ryosuke and Ohgo Suzuka”


“HA?” biglang sabi ni Suzuka. Wala na. Hindi na niya makakapareha si Yuto. Bakit pa siya kay Ryosuke napunta! Sana sa bestfriend nalang nito!


“Ibig sabihin si Mirai at Yuto ang magpartner…” malungkot na sabi ni Umika. Alam kasi niyang gustong makapareha ni Mirai si Ryosuke…syempre dahil siya si Secret crush….ibang klase talaga ang tadhana! Nagkabaligtad pa sila ni Suzuka


“…at ang huling pair ay si Shida Mirai at Yuto Nakajima” malungkot na napatingin si Mirai kay Yuto na parang hindi din maipinta ang mukha. Napansin ni Yuri ito at agad agad na bumulong kay Umika


“Psst..kawawa naman si Mirai…kay Suzuka pa napunta si Ryosuke.”


“Oo nga Chi…pihado malungkot din yang si Yuto. Feeling ko kasi yung ‘secret crush’ ni Yuto si Suzuka yun eh!” sagot naman ni Umika


“Ahh!! Oo nung nagtruth and truth tayo nung isang linggo!!” sabi ni Chinen habang ipinapalakpak ang kamay sa pinagchichismisan nila ni Umika.


“Okay class iiwan ko na kayo ah…pagusapan niyo ng partners niyo kung papaano niyo gagawin ang project! Goodluck guys!” at doon iniwan na nga sila ng kanilang guro. Nagtabi tabi naman ang mga magkakapareha at kanya kanya ng pinagusapan ang project nila.


“Uy partner!” sabi ni Yuto sabay upo sa upuan katabi ng desk ni Mirai. Pilit na napangiti nalang si Mirai at alam niyang may isang taong nasasaktan na nakatingin sa kanya sa mga panahong iyon.


“uy! Okay ka lang” sabi ulit ni Yuto nang mapansing wala sa sarili si Mirai


“ahh okay lang ako…sorry medyo inaantok kasi ako eh” sagot ni Mirai


“Okay lang hehe. So san mo gusto unang pumunta?” tanong ni Yuto. Napatingin siya dito nang biglang maramdaman na may nagv-vibrate sa kanyang bulsa. “ ah wait lang ah” sabi niya kay Yuto at umoo naman ito agad.
Binuksan niya ang kanyang cellphone at binasa ang message na kakatanggap lang niya


Mirai!!! T_T anong gagawin ko? Dapat kayo ni Ryosuke magpartner tapos kami ni Yuto!!
Ang hirap nito!!!
From: Suzu-chan
Time: 3:30pm


‘Suzuka, sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan?’ sabi niya sa kanyang sarili. Napasigh nalang si Mirai bago magreply sa kaibigan.
'Sige ako nang bahala.' ito ang nireply niya.


“Mirai, Mirai! Gusto mo bago tayo umikot sa Tokyo sa sabado, pumunta ka muna sa bahay namin. Birthday kasi ni Raiya eh tapos pahatid nalang tayo kila mama”. Napasigh nalang ulit si Mirai bago sumagot sa matangkad na lalaking nakaupo sa kanyang tabi.


“ahh…Yuto…gusto ko sana eh pero..”


“Dali na namimiss ka na din kasi ni Raiya! Hindi ka na daw niya nakakachat” masayang pagkwento ni Yuto. Oo close talaga si Mirai at Raiya. Tuwing kasi tumatambay sila kila Yuto, si Raiya ang lagi niyang kausap.


“Yuto….kasi ano wag ka sanang magagalit ah…” dahang dahang sinabi ni Mirai


“Huh? Bakit anu ba un?” tanong naman ni Yuto


“ano kasi…okay lang ba na magpalit kami ng partner ni Suzuka?” Napatingin lang si Yuto at hindi maintindihan ang kaibigan


“Bakit ayaw mo ba sakin?” pabirong tanong ni Yuto


“Hindi naman sa ganon! Kasi…..gusto ko talaga kayo ni Suzuka maging magkapartner! Alam mo naman ako solid fan niyo haha! Sige na alam ko din namang gusto mo siyang makapareha eh~ ayihiii” sabi naman ni Mirai na sinabayan ng pangaasar kay Yuto


“Asus…si Suzuka nga ba ang dahilan o gusto mo lang makapartner si Yamada?” tanong ni Yuto na game na game ding makipagasaran kay Mirai.


“ah….eh…basta! kayo ni Suzuka ang topic dito no! wag mo akong isali!” depensa naman ni Mirai


“Osige na payag na ako! Kahit na alam kong si Ryosuke pakay mo mandadamay ka pa! hahaha! Sige na sige na!” sabi naman ni Yuto. Walang magawa si Mirai kungdi ngumiti nalang at buong pusong nagpasalamat.


Pagkatapos ng klase, agad na sinabi ni Mirai kay Suzuka ang ginawa niya, ieexplain nalang daw niya kay sensei bukas.Todo pasalamat naman itong si Suzuka dahil sobrang supportive ng kaibigan niya. Masaya din naman siya para sa kaibigan dahil makakpareho nito si Ryosuke.

(To be continued)

Comments

Ayieee!!! Hahaha, kunwari pa si Mirai. XD

Nagulat at nasaktan din ako for Suzuka nung si Ryosuke ang nakapartner niya, haha, parang nakakarelate yata ako. XD

Next chapter na :D
hahahaha! ako din po!!! lalo na pag best friend mo pa!
Salamat po sa comment!!!
you're welcome ulit, haha. :D
Astig po talaga ang story na ito. \mm/
hihihi thank you po talaga:)
ahihi..astig..knikilig ako...:))
ok lng b n subaybayan ko ito??:))
hihi Thank you po!!:) uu naman po!! hahahaha sana po magustohan niyo:)