?

Log in

No account? Create an account

Secret!! part5

Title: Secret!! (part 5)

Pairings:
Halo halo special...(Horikoshi pairing)

Characters: Yamada Ryosuke, Nakajima Yuto,Chinen Yuri, Shida Mirai, Ohgo Suzuka, Sakamoto Shougo, Kamiki Ryunosuke, Irie Jingi, Irie Saaya, Mariya Nishiuchi, Kawashima Umika

Genre: Crack na may halong angst na may halong fluff~

Summary: Ang magulong barkada... Ang pagiging torpe ni Yuto...ang pagiging mahiyain ni Suzuka + ang secret crush ni Mirai

Type: Multi-chaptered

Chapter summary: Ang araw na pinakahihintay ng matalik na magkaibigan na si Suzuka at Mirai.


A/N: unbetaed siya kaya pasensya na kung maraming mali...fail fail fail siya pero ayun sana magustuhan niyo^^ DOUZOO!!






 Sabado iyon ng hapon at nagyaya sila Suzuka na magkita kita at tumambay sa paborito nilang coffee shop. Wala naman silang masyadong assignments tska matagal tagal na din silang hindi nakakalabas. Kasama din nila si Mariya ngayon kaya sobrang saya nila lalo na si Jingi.


“Buti naman pinayagan ka na ng boyfriend mo Mariya?” sabi ni Miki


“Oo nga eh miss ko nadin kasi kayo eh kaya wala siyang magagawa” sabi naman ni Mariya


“Ayan masaya na si Jingi! Kahapon pa kasi ako kinukulit nito na pasamahin ka eh” sabi ni Shougo


“Uy hindi ah!” depensa naman ni Jingi


“Anung hindi! Pati si Saaya kinukulit mo eh! wala kang puso!” sagot ni Shougo


“Huh? Pano ako nawalan ng puso? Hind ko gets”


“wala manhid” tugon ni Shougo


“Anu ba yan Shougo ang rami mong alam ahaha” sabi naman ni Saaya. Nakuha pa niyang magbiro kahit na durog na durog na ang kanyang puso.


Masaya ang naging kwentuhan ng barkada. Namiss nga talaga nila ang pag gala nitong mga nakaraang araw dahil naging busy din kasi sila sa mga exams. Masayang nagdaan ang oras at napansin din nilang iba ang ikinikolos ni Suzuka. Hindi nila alam kung nakakain ba ito ng sandamakmak na asukal o nakhithit ng rugby kaya’t sobrang saya nito. Abot tenga ang ngiti ang hindi mapakali. Naalibadbaran na si Chinen kaya agad na niya itong kinompronta.


“Oi Suzuka, umamin ka nga…humihithit ka no?”


“ha? Humihithit? Ano naman hihithitin ko?” sagot ni Suzuka na hindi padin nawawala ang ngiti sa labi


“para kang high eh..kanina ka pa diyang ngumingiti magisa..” sabi naman ni Shougo


“Anu ba kayo baka naman inlove ka ganyan” banat naman ni Mariya. Lalong napangiti si Suzuka kaya lalong na curious ang grupo.


“Wag mong sabihing may boyfriend ka na!” sabi ni Umika.
Napatingin si Suzuka kay Umika at  napangiti pa lalo.


“Sino?” dahang dahang sabi ni Saaya. Buong barkada ay nakatingin kay Suzuka at iniintay ang sagot nito


“……….si Yuto”


“waa talaga?!” pagulat na sambit ni Mirai. Napatingin si Mirai kay Suzuka at tila hindi makapaniwala sa narinig. Sa wakas tapos na ang kanyang mission…


“Yuto naman bakit hindi mo sinabe?!?!?!” sabi ni Shougo habang kunukurot ang tagiliran ni Yuto.


“hahahah..sorry” yung lang ang sabi ni Yuto habang iniiwasan ang mga kurot ni Shougo


“Omaygosh!!! Kelan pa naging kayo??” tanong ni Umika


“Nung isang araw”nahihiyang sagot ni Suzuka


“Eh?! bakit ngayon niyo lang sinabe?! Kung hindi pa kita mahahalata eh” sabi naman ni Chinen


“Hindi balak talaga naming sabihin sainyo ngayon. Kaya nga kami nagyaya tumambay ngayon kasi sasabihin na namin..” sagot ulit ni Suzuka


“Grabe wala akong kaalam alam na may hidden agenda pala itong si Yuto kay Suzuka!” sabi ni Miki


“oo nga eh..teka pano ba to nangyari?” tanong naman ni Jingi


“eh…..”


“Dali na Suzuka share mo na samin! Parang hindi naman tayo magkakaibigan o!” sabi ni Shougo


“Kasi….matagal na din kasi akong may gusto kay Yuto…tapos nagpatulong ako kay Mirai….ayun kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Mirai” sabi ni Suzuka habang inilagay ang ulo sa balikat ni Mirai


“ahhh!! Ang galing ko no??” sabi naman ni Mirai


“waa oo nga! Mirai…ako din patulong!!” sabi ni Jingi


“Ano ako matchmaker! Tumigil ka nga diyan Jingi!” sagot naman ni Mirai habang hinahampas ang kamay sa braso ng kaibigan


“Grabe binata ka na Yuto! I’m so proud of you!” sambit ni Shougo habang niyakap ang kaibigan ng mahigpit


“Aray Shougo!”


“Masaya ako para sainyo!” sabi ni Mirai habang niyayakap ang matalik na kaibigan. Alam niya kung gaano kasaya ang kaibigan ngayon. Sawakas natupad nadin ang matagal nitong pinapangarap..


“Salamat Mirai…hindi to mangyayari kung hindi dahil sayo…” sabi naman ni Suzuka


“Anu ka ba wag ka ngang madrama! Teka naiihi tuloy ako! Anu ba wag ka umiyak! Nakakahiya ka! Cr muna ako kanina pa akong ihing ihi!” sabi ni Mirai sa kaibigan at saka tumungo sa Cr.


“Anu ba yan Mirai kailangan pa bang I-announce yan?” sabi ni Miki


“Bakit ba? Para lang naman tayong magkakapatid dito ah!” sambit ni Mirai bago tumakbo papuntang cr. “Ihing ihi na ako!”

//

Pagdating ni Mirai sa cr, napatigil siya sandali at napasandal sa pinto. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung anong nagyayari sakanya. Wala siyang maramdaman…namamandhin ang buong katawan niya maliban sa
isang parte….ang kanyang puso. Damang dama niya ang sakit…


Hindi niya maintindihan ang sarili..alam niyang masaya siya..masaya siya dahil masaya ang kaibigan niya..pero bakit taliwas ito sa tunay niyang nararamdaman. Napatingin na lamang siya sa salamin at doon tuluyang napahagulgol.


Hindi niya alam sa likod ng mga pader na iyon ay may isang taong nakikinig sa kanyang tahimik na pagiyak…nararamdaman din ng taong iyon ang sakit na nararamdaman ni Mirai. Pagkalipas ng ilang minuto, dahang dahang lumabas si Mirai habang pinupunasan ang mga bakas ng luha sa kanyang mga mata. Laking gulat nalang nito na may taong sumalubong sakanya sa labas ng banyo.


“Ryosuke!”


“……..”


“Anong ginawa mo dito? Ccr ka ba? Sorry ah kung matagal…sige ok na gamitin mo na” sabi ni Mirai at bago pa man siya nakalakad papalayo, hinawakan siya ni Ryosuke sa braso at hinila papabalik.


“Ryosuke?”


“wag mo nang itago….”


“Huh?”


“wag mo nang itagong nasasaktan ka”


“Anong pinagsasasabi mo?”


“Si Yuto……….siya yung secret crush mo diba?”


Napatingin si Mirai kay Ryosuke na para bang gulat na gulat. Hindi niya alam kung paano o saan nakuha ni Ryosuke iyon.


Oo si Yuto..si Yuto ang secret crush niya…si Yuto at walang iba. Itinago niya ito dahil ayaw na niyang pagmulang ng gulo. Alam naman niya kung gaano kamahal ni Suzuka si Yuto at ganon din si Yuto sakanya. Gusto lang naman niya na maging masaya ang dalawang napakaiportanteng tao sa buhay niya. Napagisipan niya na susuportahan nalang niya ang kaibigang si Suzuka sa pagmamahal nito Kay Yuto at sa paraang iyon ay doon nalamang niya naipaparating ang tunay na damdamin sa taong lihim niyang minamahal.


‘Noong nakila Saaya tayo, May pinakinig sakin si Yutong kanta. Hindi ko mapinta kung gaano ako kasaya nun. Napaka bilis ng tibok ng puso ko …pero nakita kong nakatingin si Suzuka saamin.Nagdahilan nalang ako upang makapag palit kami ni Suzuka at para siya na ang maging kashare ni Yuto ng earphones



‘Nung tinatanong nila si Yuto tungkol dun sa babaeng mahal daw niya….natakot ako kasi napansin niyang nakatingin ako sakanya….napatingin din siya saakin...nakita ba niyang nasasaktan ako ng mga panahong iyon?’


‘nung ako naman ang tinatanong…tinanong ako kung may nagpapatibok ng puso ko noon..si Yuto agad ang naalala ko…pero hindi ko maaaring sabihin sakanila kaya naisip ko na gawin nalang itong secret crush…alam ko maghihinala silang Si Ryosuke yun….mas mabuti ng ganon kesa malaman nila ang totoo’


‘pagkatapos ng isang linggo kinukulit nanaman ako nila Yuri at Umika…tinatanong nila kung sino Si Secret crush…napatangin nalang ako kay Yuto na nakaupo sa paborito niyang lugar sa may likuran ng classroom at sinabi ko sakanila na mananatali nalang siyang secret crush dahil mayiba nang nagmamahal sakanya…ayoko nang makihati pa’


‘Noong pinagpartner partner kami para sa art project…naging kapartner ko si Yuto. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nun.. pero napatingin ako kay Suzuka nung tinext niya ako…malungkot siyang nakatingin sakin. Malungkot din akong napatingin kay Yuto at muling nagisip ng paraan para magbigay daan muli para kay Suzuka. Nagdahilan nanaman ako…..para lang mapasaya silang dalawa’

'Nung pumasok ako ng maaga, nandun na siya sa classroom..Niyaya niya akong manuod ng sports day nila Raiya. Kung pwede lang talaga ...pero alam kong malulungkot si Suzuka kapag nalaman niyang magkasama kaming manonood kay Raiya. Kaya sinabi ko nalang na si Suzuka nalang ang yayain niya...napansin ko din na may sinusulat siya...para kay Suzuka yun alam ko...inasar ko siya at pinilit na umamin na kay Suzka...halata na naman eh...sinasayang lang niya yung oras..tapos bigla pa niya akong tinanong,

"Bakit pag sinabi ko ba sakanya na gusto ko siya sasabihin din ba niyang gusto niya rin ako?"

 Masakit...ang sakit palang marinig yon mismo sakanya...pero wala akong magawa kungdi ipagpatuloty ang pagkukunwari. Kaya sinabi ko na ang totoo..na gusto din siya ni Suzuka.....Magaling Mirai...magaling...



‘Isang gabi, tumawag si Suzuka sakin. Ang rami niyang kwinento tungkol kay Yuto. Sa bawat mga salitang binibitiwan niya tungkol kay Yuto…para bang nadudurog unti unti yung puso ko. Ang hirap pakinggan ng mga kwento niya dahil sobrang sakit na pala pero tiniis ko nalang yun…Masaya naman si Suzuka..yun ang importante’


‘PE class namin yon. Nagsosoccer sila Yuto nun. Habang busying busy yung iba sa kani kanilang mga ginagawa, busying busy din ako sa panonood sakanya. Hanggang sa ganto nalang kasi ako; pinagmamasdan at minamahal siya sa malayo. Nung nagpahinga na sila sa paglalaro…umalis yung ibang mga lalaki para bumili ng softdrinks...siya naman, kakagaling lang niya sa CR kaya kaming dalawa lang ang naiwan dun sa bleachers.  Inaasar ko si Yuto at pinipilit kong ligawan na niya si Suzuka….Oo martyr na kung martyr pero nilulugar ko lang ang aking sarili . Alam kong hanggang dito nalang ako…hanggang dito nalang tayo…MAGKAIBIGAN…’


‘Sana mabigyan din ako ng pagkakataon na maamin sakanya pero wala akong magagawa.. wala akong magawa kundi suportahan nalang silang dalawa alam ko namang mahal nila ang isa’t isa..eextra pa ba ako?…yun nalang din kasi ang naiisip kong paraan para makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko..ayoko din kasing lumabas na bitter lalo na’t matalik kong kaibigan si Suzuka at alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang lihim kong minamahal si Yuto.’



“Oo tama ka…siya nga si Secret crush…eh ano ngayon?” sabi ni Mirai. Nakatitig padin siya sa mata ni Ryosuke na para bang pinupunan nito ang mga katanungan sa mata ng binata.


“…edi bakit? Bakit mo laging pinipilit kay Yuto na ligawan si Suzuka? Bakit lagi kang gumagawa ng paraan para mapaglapit sila? Bakit mo hinahayaan na masaktan yang sarili mo?” tanong ni Ryosuke. Kung may maisasagot lang si Mirai sa katanungang iyon…sinagot na sana
niya ngunit mismong siya ay hindi din niya alam.


“Dahil kaibigan mo si Suzuka? Ganon ba?” muling nagsalita si Ryosuke. Walang kareareaction ang kanyang mukha ngunit halata naman sakanyang boses ang kanyang emosyon.


“Oo…dahil kaibigan ko si Suzuka at alam kong magiging masaya siya pag naging sila ni Yuto.”


“Napakababaw mo. Dahil dun hinayaan mo na masaktan ka nalang? Hiniyaan mo na magkunwari na ayos lang lahat pero sa totoo lang nasasaktan ka na? Yun ba talaga gusto mo? Ha Mirai?”


“Eh anung gusto mong gawin ko!? Halata naman na gusto din siya ni Yuto eh. Anu pang magagawa ko? Pagpipilitan ko sarili ko? Ryosuke alam ko kung saan ako lulugar. Mahal ni Suzuka si Yuto at mahal ni Yuto si Suzuka. Kaibigan lang ang tingin sakin ni Yuto at ayoko nang masira yun! Gusto kong tulungan si Suzuka dahil ayokong matulad siya saakin na pasekreto nalang na nagmamahal. Hindi ako kasing tapang ng inaakala mo…kaya sa gantong paraan ko na lang pinaparamdam kung gaano ko kamahal si Yuto.”

Napatahimik si Ryosuke ng marinig ang damdamin ni Mirai. Kahit hindi niya naiintindihan ang nais ipakahulugan nito, nararamdaman naman niya ang sakit na nararamdaman ni Mirai….parehas lang naman sila…parehas na patagong umiibig


‘Bakit, bakit kasi si Yuto pa ang minahal mo….sana ako nalang’


“Ryosuke…”


“bakit?”


“Isipin mo nalang na wala kang alam…kalimutan mo nalang to..masaya na sila ayokong sirain pa to” at doon muling naglakad si Mirai pabalik ng kanilang table na parang walang nangyari…walang magawa si Ryosuke kungdi sundin nalang ang hiling ni Mirai.

(to be continued)

Comments

“Oi Suzuka, umamin ka nga…humihithit ka no?”

“ha? Humihithit? Ano naman hihithitin ko?” sagot ni Suzuka na hindi padin nawawala ang ngiti sa labi

WAHAHAHA!!! Natawa ako rito. XD

Oo si Yuto..si Yuto ang secret crush niya…si Yuto at walang iba.

SABI NA NGA BA EH!!! Naramdaman ko na ito dun sa last chapter!

‘Bakit, bakit kasi si Yuto pa ang minahal mo….sana ako nalang’

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Ang angsty ng chaper na ito, haha, basahin ko na yung last, ano kayang mangyayari.
hahahaha!!! salamat po^^ aigoo medyo naguilty nga din ako para kay Ryosuke eh heheh..dibali babawi nalng ako sakanya sa next na fanfiction hihihihi^^ lagi kasing panalo si Ryosuke eh...pahirapan muna natin ng konti hahah^^
Add kita as friend dito ha? Gusto ko pa mabasa ibang fics mo, haha. XD

ahh sige po^^ pero hindi ko pa sila nauupload eh pero upload ko na din pag naaus ko na sila..^^ salamat po ulit!!
On the first part tawa ako ng tawa but then wjen Mirai went to the CR.. ugh! I get do emotional about that.. I didn't expect na si YUTO pala si Secret crush </3
medyo nahirap din po ako sa part na yan haha ang raming dapat explenasyon hahaha:) medyo naawa din po ako kay Ryosuke...yan ang nagagawa ng hindi umaamin...:)
Oero, grabe ah galing galing mo gumawa ng ganitong fic.Saludo ako sayo \mm/ lol. Tama, dapat nilalabas natin ang tunay na nararamdaman naten kung ma reject man tayo atleast nasabi natin iyong nararamdaman natin. Medyo kase relate ako sa story mo e! :P
Nako maraming salamat poT_T hihi ako din po!! minsan kasi nasa huli nadin ang pagsisisi kaya ayun </3
Yeah, Tama! Kaya kailangan naten talagang i-grab ung chance agad agad na!? Haha. Ano pala FB mo!? Para ma-update mo ako if may bago kang fic. :"> lol~ Haha. Tatlo pa lang kase kayong fic writer na nag-papaiyak saken e. :P lol~ As in nadala ako sa story na itoo. XD
talaga po? nakakaiyak naman poT_T thank you po:) kato karen po angelica8_capulong@yh.com.ph:)update ko nalang po kayo:
)
Na-add na kita! :) Accept mo na lang ako, Haha. Ilan taon kana pala!? Tsaka taga saan ka!? tae. Pasensya kung ang dami kong tanong. >< Haha.
inaccept ko na po kayo:) thank you thank you po:) talaga taga muntinlupa po ako mage-18 palang po...kayo po? hehe oki lang po:)
Haha! thanks po. :D Ako po pala ang dapat mag "po" XD Haha~ Taga Caloocan po ako e. :P 14 years old pa lang po. :) Hihihi~
hahaha oki lang po kahit wala ng po hehehe:) ahh medyo malayo din pala hehe...ay tanong ko lang po na curious lang po ako hihi, panu nyo po nahanap yung story? hehehe sorry po kung natanong ko hehe:)
Kaya nga po e. Malayo layo din po! XD Hahahaha. May nag-post po sa isang group ng HSJ na Pinoy FanFic daw po e ako na intriga ako. Hahaha~ Kase first time ko lang makarinig non. XD lol~ so iyon kin-click ko tas napadpad ako sa lj mo. :))
waa talaga po??:) nakakatuwa naman T_T. Dun po sa hsjpinoyfics sobrang rami po
halo halo hihihih:)
Haha! Opo :) Grabe, siguro kung di niya po shinare un.. walang kwenta buhay ko. pak! me ganon?! hahaha. XD
hihihi nakaktouch naman po:) salamat po ng marami!!!
halaka?!!..c yuto pla un???????..bkt c yuto??..andun aman c yamada eee??:((..grbe an'skit s puso ng mgs pngya2ri...:((
:( masakit po yun lalo na pag bestfriend mo yung nagpapatulong....napaka martyr ni Mirai..:/

:) salamat po sa comment hihihi ^^