?

Log in

No account? Create an account

Secret!! part4

Title: Secret!! (part 4)

Pairings:
Halo halo special...(Horikoshi pairing)

Characters:
Yamada Ryosuke, Nakajima Yuto,Chinen Yuri, Shida Mirai, Ohgo Suzuka, Sakamoto Shougo, Kamiki Ryunosuke, Irie Jingi, Irie Saaya, Mariya Nishiuchi, Kawashima Umika

Genre:
Crack na may halong angst na may halong fluff~

Summary:
Ang magulong barkada... Ang pagiging torpe ni Yuto...ang pagiging mahiyain ni Suzuka + ang secret crush ni Mirai

Type:
Multi-chaptered

Chapter summary:
Sawakas na tutupad na ang matagal na pangarap ni Suzuka



A/N: unbetaed siya kaya pasensya na kung maraming mali...fail fail fail siya pero ayun sana magustuhan niyo^^ DOUZOO!!





 Ilang linggo ang nakalipas at maayos namang naisasagawa ng klase ang project nila. Ilang linggo din ang nakapalipas na punong puno ng pangungulit ni Mirai kay Yuto na ligawan na si Suzuka. Kakatapos lang maghapunan ni Mirai at dumeretso siya agad sa kanyang kwarto. Bigla namang nagring ang kanyang cellphone at agad na sinagot ang tumatawag.


“hello?” sabi niya sa kausap


“Mirai!”


“Oh Suzuka napatawag ka?


“Wala lang…ang rami ko kasi ikkwento sayo eh!”


“Oh? Anu naman yun?”


“Wala ang saya saya ko kasi….alam mo ba feeling ko malapit na matupad yung dasal ko! Feeling ko ang lapit lapit ko na kay Yuto!”


“Aba mabuti naman! Hind ka na magpapalakad sakin! Grabe Suzuka ah ang hirap niyong dalawa ilakad sa isa’t isa!”


“Ay nako Mirai! Alam mo bang sobrang I love you!!!! hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala ka!”


“Alam ko! Hahah kaya kung hindi pa naging kayo ni Yuto ewan ko nalang.”


“salamat talaga! AY nako Mirai!!!! Alam mo ba kanina, sabay kaming umuwi! Hinatid niya ako sa bahay naming tapos nag text siya nung pauwi na siya sabi niya ‘salamat sa araw nagenjoy ako’!!!! Mirai!!!!”


“Sawakas hindi na torpe si bamboo!”


“Mirai salamat talaga ah! Hinding hindi ko to makakalimutan.”


“Wala yun….alam mo naman na basta magpapasaya sayo gagawin ko diba? Para na kitang kapatid”


“salamat talaga….sana makatulong din ako sainyo ni Yama-chan” Napangiti lang si Mirai


“Hayaan mo…darating din ang araw na masasabi ko kay secret crush yung nararamdaman ko”


“Hihintayin ko yan! Sana pag nangyari yun, kami na ni yuto para magdouble date tayo!”


“hahahahaha…sige sabay natin intayin yun. Osige na matutulog na ako. Baba mo na to baka tumatawag si Yuto eh”


“ahh unga no! haha sige goodnight Mirai ah. Kita nalang tayo sa school!”


“Goodnight bye!” At doon,binaba na ni Mirai ang telepono at napahinga ng malalim. Napatitig ito sa bubong at napangiti….’Secret crush…..dapat mo bang malaman?’

//

Buong klase ay nasa soccer field. PE class kasi nila pero wala yung teacher nila kay nag free play nalang sila. Ang mga lalaki nag kayayaang magsoccer samantalang yung mga babae, kanya kanyang trip. Sila Saaya at Umika ay nasa changing room dahil ayaw nilang mangitim; doon nalang daw sila magchchismisan. Si Suzuka naman ay nakikipaglaro ng volleyball sa iba pa nilang classmates. Nakaupo naman si Mirai sa bleachers habang iniinom ang malamig niyang softdrinks. Ayaw niyang magpapawis kaya pinapanuod nalang niya ang mga kaibigan na magsoccer. Nakakatuwa naman talaga silang panoorin. Ang kukulit... Sa Twing nakay Ryosuke ang bola, magkakantsawan sila Shougo at sinasabi na igoal daw ni Ryosuke ang bola para daw kay Mirai. Naggoal naman ni Ryosuke kaya lalong lumalakas ang pangaasar nila. Kunwari nalang ay walang pakialam itong si Mirai pero unti unti na siyang nanlilit doon sa kayang inuupuan.

Maya maya nagbreak muna ang mga lalaki sa paglalaro. Nagpunta muna si Yuto at Chinen sa cr samantalang bumalik naman yung iba sa bleacher kung nasaan ni Mirai.


“Oi Mirai nakita mo yung paggoal ni Ryosuke?” Tanong ni Miki


“Oo nakita ko” sagot naman niya


“Ngayon lang ganyan maglaro si Ryosuke! Ganado yan eh” sabi naman ni Shougo. Tahimik lang si Ryosuke sa tabi at nagpupunas ng pawis. Ayaw na niyang magreact dahil wala din naman siyang mapapapala. Hind din naman siya mananalo kay Shougo at Miki.


“Uy tara bili tayo softfdrink nainggit ako kay Mirai eh” sabi ni Jingi.


“Oo nga tara…wait lang Mirai ah bili lang kami” sabi ni Miki bago sumama kila Jingi.


“Okay” sabi naman ni Mirai habang pinapanood na umalis ang kanyang mga kaibigan.
Pagkatapos na ilang minuto, dumating na si Yuto at natagpuang magisa si Mirai. Nagtaka naman siya kung saan nagpunta ang ibang mga kaibigan.


“O asan sila Yama-chan?” tanong nito


“Bumili ng softdrinks” sagot ni Mirai


“anu ba yan, hindi ako sinama” pabirong sabi ni Yuto


“Eh si Yuri?” tanong naman ni Mirai


“ah pinuntahan si Umika” sabi ni Yuto“Hindi talaga yun mawalay kay Umika… parang hangin na niya si Umika eh” dagdad nito


“Asus! Pag naging kayo ni Suzuka baka ganyan ka din no! lakas mong mangasar!” sabi naman ni Mirai. Napangiti si Yuto at saka humarap kay Mirai.


“Anong gagawin mo kung niligawan ko nga si Suzuka?”


“Edi magpapaparty! Mag sasaya! Sawakas hind na torpe si Mr. Nakajima!!!” sagot ni Mirai.


“haha talaga?”


“Oo! Siyempre alam ko kasi sobrang magiging masaya si Suzuka tska alam kong magiging Masaya kadin. Ang hirap kasi sainyo ayaw niyo pa magaminan eh!” sabi ni Mirai habang kinakamot ang batok sa inis.



Napangiti ng sandali si Yuto.


“okay” ito lang ang kanyang itinugon. “sige na susundan ko lang sila Ryosuke nauuhaw nadin ako eh” dagdag nito.


“okay pabili narin ako ng isang coke ah salamat!” at napaoo nalang si Yuto.

(to be continued)

Comments

May naiiisp ako habang binabasa ko ang chapter na toh, wag naman sana kasi nga Yamashi at Ohgojim naman ang pairings, haha.

At naimagine ko ng todo si ryosuke na nagpupunas ng pawis, haha, wala lang. XD
hahahaha naisip ko din sana naging twalya nalang ako ahaahaha!!! :) isang malaking rebelasyon sa mga susunod na chapters..thank you po sa comment:)
haha, naiimagine ko rin na magtatanggal siya ng shirt, hahaha, XD
waaaa nako nako nako baka maloka si Mirai hahaha!!
OGAZ YUTO ♥.♥ Haha. FTW si Yama-chan~
hahaha Yuto:) pero ndi padin po ako makagetover sa pagpupunas ng pawis ni Ryosuke hahahaXD salamat salamat po sa comment:) hihi
Haha! Siguro ang hot hot nun no, habang nag-pupunas siya ng pawis. :"> /me iz drooling.
hahahahaha!! naiimagine ko din po hahaha!!! hay nako Ryosuke...<3
Yamada Bias ka din ba!? Apir tyo kung Oo kung hindi naman apir parin tayo. XD Haha.
2nd bias po hehehe pero apir padin po haha! si Yuto po first pero minsan nagiging Yama-chan hahaha:) sorry Yuto:)
Aahh! Kakaiba kase charisma ni Yamada e no. :P Nakakaloka~ nakakabaliw~ hahah! at nakakaadik~ lololol. =)) Ang FC ko ba!? Pasensya na a. XD Masyado ko lang kase nagustuhan fic mo e. XD Napa-comment tuloy ako ng wala sa oras at ito ang daldal ko na! :))
Nako hindi po oki lang po yun:) hihihi thank you po talaga sobrang saya ko naman ngayun hihihi! first time ko din po kasi mag upload ng fic ulit eh kaya ayun po haha oki lang po yun thank you po ulit:)
Haha! Ano ba, wag kana mag-Thank you. :) Ako ang dapat mag-Thank you sayo kasi una napasaya mo ako sa story na napaiyak mo ako means na-enjoy ko.. then second kase parang may lesson sa story na ito e, dba!? Kaya Thank you. :) Haha.
yehiii..ng-iimprove n c mr. nakajima..hehehe
..wlang bang pic c yamada n pwis??.XD..lols
hahahaha naghahanap nga din po ako ng picture eh hihi..sige po pag may nahanap ako popost ko po hahahah^^ pumapalakpak talaga ang tenga ni Suzuka:)
haha..sna po my mhnap kpo!!..pra d lng po c mirai an'pumplakpak an'tenga..tpi n rn po ung mga ngba2sa!!XD