?

Log in

Secret!! part3

Title: Secret!! (part 3)

Pairings:
Halo halo special...(Horikoshi pairing)

Characters:
Yamada Ryosuke, Nakajima Yuto,Chinen Yuri, Shida Mirai, Ohgo Suzuka, Sakamoto Shougo, Kamiki Ryunosuke, Irie Jingi, Irie Saaya, Mariya Nishiuchi, Kawashima Umika

Genre:
Crack na may halong angst na may halong fluff~

Summary:
Ang magulong barkada... Ang pagiging torpe ni Yuto...ang pagiging mahiyain ni Suzuka + ang secret crush ni Mirai

Type:
Multi-chaptered

Chapter summary:
Si Ryosuke...Si Mirai..at ang sunset


A/N: unbetaed siya kaya pasensya na kung maraming mali...fail fail fail siya pero ayun sana magustuhan niyo^^ DOUZOO!!




 Napagpasyahan ni Ryosuke at Mirai na magkita ngayong araw ng sabado para tapusin na ang kanilang project. Konting pictures nalang kasi ang kailangan nila. Sobrang kinakabahan naman si Mirai at naeexcite tuwing magkasama sila ni Ryosuke. Pero masaya na din naman siya at hindi na sila ilang sa isa’t isa.


“Ilang pictures nalang kailangan natin.” Sabi ni Ryosuke habang tinitignan ang mga letratong kanilang kinuhaan kanina.


“oo nga eh…ah! Teka Ryosuke kunan mo nga itong dagat pasunset na kasi eh saktohin mo pag sunset na” sabi ni Mirai habang itinuturo yung araw.


“sige”


Ilang minuto nalang magsusunset na. Excited na naglakad papalapit si Mirai sa dalampasigan at nilaro laro ang tubig. Nakangiti ito na parang bata at enjoy na enjoy sa pagwasik ng tubig. Nakita ito ni Ryosuke at tila napangiti ito sa ginagawa ni Mirai. Agad nitong kinuha ang kanyang camera at sekretong kinuhaan si Mirai ng letrato. Unti inti nang lubulubog ang araw ngunit nakatitig padin siya kay Mirai. Natauhan nalang siya ulit nang napasigaw si Mirai


“ARGH!! Nakuhan mo ba ng picture?” tanong ni Mirai


“Ang ano?” sagot naman ni Ryosuke.


“Anung ano? Yung sunset!!!” mataray na sagot ni Mirai


“ahh yun lang ba..hayaan mo na yun”


“ ha?! Hindi mo nakunan? Anu ka ba!! Bakit hindi mo kinunan ng picture!! Perfect na sana yun eh sayang!!” hysterical na pag sabi ni Mirai


“Hayaan mo na yun…..may mas maganda akong nakuhaan” napangiti namang sabi ni Ryosuke. Napatingin lang sakanya si Mirai dahil hindi niya maintindihan kung anong pinagsasasabi nitong si taba.


“Tara na sa iba na tayo..” yaya ni Ryosuke habang naglakad nang papalayo at may ngiti padin sakanyang labi. Napasunod nalamang si Mirai at wala ng nasabi pa.

//

Maagang pumunta si Mirai sa school para maipagpatuloy ang tulog niya na nabitin dahil sa ingay ng kanyang kapatid. Expected kasi niya na wala pang tao sa classroom kaya makakatulog pa siya. Laking gulat nalamang niya na may nauna na pala sakanya doon.


“Ohayou Mirai!” bati ni Yuto


“Yuto?ang aga mo ata” sabi naman ni Mirai sa kaibigan na nakaupo sa lagi nitong pwesto sa may likuran ng classroom.
 

“ahh hinatid ko kasi si Raiya eh…sports day nila ngayon. Gusto mo manuod mamayang uwian?”


“ha? Hindi ako pede kailangan kong umuwi agad”


“ahh sayang naman…uy nagtatampo na si Raiya hindi mo na daw siya binibisita.” Pabirong sabi ni Yuto. Si Raiya kasi nag self declare na girlfriend niya daw si Mirai. Ito namang si Mirai at sila Yuto todo sakay nalang sa trip ni little Nakajima.


“Sorry medyo busy lang talaga itong mga nakaraang araw…” sabi ni Mirai habang umuupo sa kanyang upuan. Nilagay niya ang braso sa desk at ihiniga ang ulo habang nakatingin padin sa kausap.


“Alam ko na! yayain mo nalang si Suzuka! Matutuwa yung si Raiya pag nameet niya yung future girlfriend ng kuya niya!” dagdag ni Mirai.
Napangiti lang si Yuto at itinuon ang sarili sa letter na sinusulat niya. Napansin ni Mirai na may sinusulat ito kaya agad agad niya nanamang tinukso ang kaibigan.


“Ay nako Yuto! Napaka torpe mo! Ligawan mo na kasi! Wala kang mapapala kung sa papel mo lang sinusulat yan! Buti ba kung makakarating sakanya yan! Kumilos ka na kasi!”
Tahimik na natawa si Yuto. Itinago nalang niya ang papel na sunusulatan sa bag at inilagay ito sa side.


“Bakit ka natatawa?” tanong ni Mirai “natatawa ka sa katorpehan mo”


“Bakit pag sinabi ko ba sakanya na gusto ko siya sasabihin din ba niyang gusto niya rin ako??” tanong ni Yuto. Napataas naman ang kilay ni Mirai sa narinig sa kaibigan


“Pano mo malalaman kung hindi mo tinatry…nasa tabi mo na kasi ayaw mo pang sabihin.Sige ka pag nakahanap ng iba yun ikaw din magsisisi.” Napangiti lang si Yuto. Napakatorpe niya talagang tao.


“Mahal ka ni Suzuka! Ako na nagsasabi…alam ko mahal mo din siya kaya ano pa iniintay mo??” sabi ni Mirai na parang gigil na gigil sa katorpehan ng kaibigan. Kung pede nga lang na siya na ang mangligaw para kay Yuto eh ginawa na niya.


“Hayyy Mirai..” yung lamang ang nakuhang masabi ni Yuto. Napaka taas talaga ng energy nitong si Mirai. Na-drain agad ang energy ni Yuto umagang umaga palang.



Ilang minuto ang nakalipas at narinig nilang nagbukas ang pintuan. Agad naman nilang binate ang kaibigang bagong dating.


“Oi Ryosuke!” bati ni Yuto.


“Uy ang aga niyo ah” sagot nito


“Mas payapa dito sa school eh. Ang ingay kasi sa bahay eh.” sabi ni Mirai


“May mas iingay pa ba sayo” sabi naman ni Ryosuke


“Ay yabang mong baboy ka! Pag nawala naman ako mamimiss mo ingay ko!” sambit ni Mirai.


“oo” sagot ni Ryosuke. Saka lang narealize ni Mirai na nakakahiya ang kanyang sinabi. Nanahimik nalang ito at nagkunwaring nagbabasa ng libro. Tahimik namang pinapanood ni Yuto ang dalawa habang may ngiting naglalaro sa kanyang mga labi.

(To be continued)

Comments

“Hayaan mo na yun…..may mas maganda akong nakuhaan” napangiti namang sabi ni Ryosuke.

AAAAAAAAAAAAAA!!! XD

Hay nako, Yuto, walang magagawa ang katorpehan mo, haha.

Nakakainis talaga ang mga torpe, haha, natatawa ako sa expression ni Mirai, nakakagigil naman kasi talaga. XD
hehehe kinikilig din po ako nung sinusulat ko yung part na yun~ naiimagine ko talaga si Mirai at Ryosuke hehehe^^
ay nako Yuto hindi ka tumulad kay Chinen hehe^^
salamat po sa comment^^
hahaha, ang kyot kasi ng scene. X3

malandi kasi yang si chinen, hahaha.
ay nako tama! Chinen!!! kung sana kami yung nilalandi mo diba hahaha joke^^
Kinikilig naman ako dito. lol~
hahaha siyempre hindi magpapatalo si Ryosuke:) hihi thank you po ulit:)
Haha. Ryosuke FTW lol. Another Fanfic puh-lease!? And make it Tagalog again. =)) Ang saya kase magbasa kapag tagalog e. Ang kuleeet :D
hahaha sige po:) may naiisip isip nadin po ako pero hindi ko pa po masulatT_T hind ko din po kasi alam kung kelan maluwag yung oras huhuhu pero sige po mag nasulat ko na po iaupload ko din po:) hihihi unga po mas gusto ko din pong nagsusulat ng tagalog fic kasi parang mas feel mga salita hehehe:)
Ganon!? Basta Good luck sa pagsusulat, malayo mararating mo. Haha. Kaya pag-patuloy mo lang! :) Yeah, Oo, Dapat tagalog na lang para mas matutuwa ung mga Pinoy Readers mo! Haha. :)
hihih salamat po! buti nga din po meron hsjpinoyfanfiction ehT_T nakakatuwa talaga pag tagalog mas nakakarelate:)
Ehhh. Meron non!? ano!? Link naman oh. lol =))) Haha. Uu, kase mas masarap magbasa ng tagalog e. Mas nakakaloka at mas nakakadala! Haha. XD
yung hsjpinoyfics po?
Yeah! Meron po ba non!? XD penge naman pong link. XD haaha~
hsjpinoyfics.livejournal.com/
sobrang ang gaganda po ng story dyan:)
OMG. Thaaank you po! :"> Haha. Babasahin ko to bukas! XD Need ko na po kase mag-goodbye e. :D May pasok pa si ako tomorrow morning until aft. =__= pak~ XD oYAMASHIImi po. :-*
hihi walang anuman po:) hahaha opo mageenjoy ka dyan...yan yung nakainspire sakin na magsulat sa tagalog:) hehe sigesige po:) maraming salamat po ulit:) goodluck po sa pasok hahahaha:) OyamashiMi din po:)
Salamat talaga. :) Sisimulan ko na po magbasa doon. XD HAHA! Maraming maramin thank you po. :-*
naka2kilig aman an'YAMASHII..:""">
haha..an'srap pla mgbsa ng tglog n fic ..hihih
hihihi thank you po!!:) unga po mas masaya mag basa ng tagalog fic kasi damang-dama yung words hehe thank you po ulit sa pagbasa:)